Close

October 13, 2015

K-12: Pasakit sa pitaka ng magulang?

Magandang Gabi ulit! Hoping you guys are having a great week (even if hell week na =(( )

Ang post para sa gabi na ito ay tungkol sa pinagsasawaan nating isyu sa K-12 program. Ngunit hinihikayat ko kayong manatili dito dahil napaka-thought provoking ng ating tatalakayin ngayon.

Madalas nating tinitignan ang programa ng K-12 sa perspektiba ng educational systems, labor at employment. Sinasabi nating kailangan ang reporma dahil tayo na lang ang natitirang bansa sa SEA na kulang pa ang taong nailan para sa edukasyon. Sinasabi nating kailangan ang K-12 para sa skills na kailangang matutuhan ng mga mag-aaral para sa kung sila’y empleyado na, may mga kakayahan na sila sa trabahong pinili. Sinasabi nating kailangan nating lakasan ang mga programa sa edukasyon dahil bumabagsak ang pandaigdigang kalidad ng ating mga estudyante.

Tama naman ang mga puntong ito, ngunit napapatahimik nila ang iba pang mga konsiderasyon pag-dating sa implementasyon ng programa. Ano nga ba ang ating ginawa para tugunan ang problema ng mga mahihirap, maliban lamang sa ating pagpapansin sa ispesipikong problema na ito? Ano na nga ba ang ating ginawa para sa mga magulang at pamilyang umaasa sa mabilis na pagkapasok sa trabaho ng kanilang mga anak, o sa mga estudyanteng mapipilitang makipagsiksikan muli hindi lamang sa mga maiinit na silid, ngunit sa dalawang dagdag na taon ng pasakit?

Sa gabing ito, ating tignan at pagmunihan ang kuwento ng mga higit na mahihirapan sa polisiyang ito. Basahin ang kanilang kuwento sa artikulo na ito mula sa The New York Times : http://www.nytimes.com/2015/10/13/world/asia/philippines-fighting-over-plan-to-extend-basic-education.html?_r=2

ANG TANONG: Naniniwala ba kayo na ang K-12 ay isang pangangailangan ng mga Pilipino, o isa lamang pasakit sa mga pitaka ng mga Pilipinong magulang?

Magbahagi ng iyong saloobin sa comments section!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.