Close

October 22, 2015

Featured Tutor: Gorgy Gorgonio

Name: Francis Neil I. Gorgonio

Nickname: Gorgy

Year and Course: 2 BS PSY

Committee: Education Formation Committee

Mottos: “Everyone has genius level talent!”

Erya Assignment: PM – Holy Spirit Elementary School

Favorite Tutee: “Arman! Tropa ko ‘yon!”

Why do you go to erya?

“Sumali ako sa Gabay kasi interesting siya as an org at marami siyang ng ginagawa/pwedeng gawin. Gabay iyong pangalan, so ramdam mo na gustong tumulong ng mga tao sa iba. Sumali ako sa erya kasi noong high school, may ganitong programa rin kami na tinatawag na TD [Tulong Dunong]! Tapos sobrang saya ng TD kasi tumulong ka na, tinutulungan ka pa at sabay chill din siya. So ayun: experience tapos masaya.”

What difficulties did you encounter in erya?

“Tense ako noong first session ko kasi ‘di ko pa sila masyadong kilala! Iyong mga mannerism nila, kung paano nila ginagawa yung mga bagay. Habol din [sa oras] kasi minsan hindi talaga nila maintindihan iyong basics ng subject mismo. Parang di nila alam kung paano mag multiply ng 6×27 o hanapin iyong subject ng sentence and whatnot.

What is your most memorable erya experience?

“Sobrang nostalgic at saya kasi iyon nga, sobrang saya ng TD tapos mauulit ko siya nang isa pang beses kaya ayun, super. Iyong last session as a whole [iyong memorable erya experience ko] kasi relaxed iyong mga kids at chill chill. Tapos kahit nahihirapan sila, kita mo naman na may parte sa kanila na gustong matuto kahit di nila naiintindihan ng buo. Kahit minsan nawawala sila sa focus pero ayun kapag nakikita mo iyong mga oras na gusto nilang matuto, iyon talaga iyong naaalala mo sa buong erya.”

What else do you expect from erya?

“Wala actually. Masakit umasa HAHAHAHA. Pero ayun, masaya na walang expectations kasi kapag wala kang inaasahan, mamamangha ka lang sa mga nangyayari at doon nagiging masaya siya–iyong mga bagay na di mo talaga naaasahan.

Kung may album si Eryana Grande, ano ang title nito at bakit?

Ikaw kasi ikaw lang talaga ang sagot.”

Sa tingin mo, ano ang relationship status ni Eryana Grande?

“It’s complicated! Kasi mahirap kay Eryana Grande na pipiliin ba niya si AM o si PM.”

Message to fellow tutors:

“Puso lang talaga. Kasi may mga pagkakataon na napapaisip ka kung pupunta ka pa kasi baka tinatamad ka o marami kang gagawin. Pero puso lang talaga. Masaya naman talaga mag-erya tapos hindi naman talaga siya sobrang nakakapagod. Puso lang. Mahalin ang ginagawa. Siguro may mga tao na napapaisip na pupunta sila sa erya dahil mas nakatataas sila bilang tao kaya kailangan nilang tulungan iyong mga bata, pero hindi naman dapat ganun eh. May mga pagakataon na mas natututo pa tayo sa mga bata kaysa sa ang mga bata ang natututo sa atin. Kaya mahalin lang ang ginagawa kasi doon ka talaga lalaki. Kapag minamahal mo iyong isang bagay kahit wala kang masyadong nakukuha physically, mentally and emotionally, marami ka talagang nakukuha. Kaya puso lang and spread da <3.”

Message to erya kids:

“Sa mga bata, practice lang iyan. Di tayo gagaling nang hindi natin pinapractice sa labas ng eskwelahan! Lalo na iyong math (Bleh!). Mahirap pero kung practice lang tayo nang practice, sisiw na yan sa huli! Pasensya kung di ninyo kami maintindihan minsan pero swear, ginagawa namin lahat para maintindihan ninyo iyong lesson kahit kaunti. Kaya natin to! Tiwala lang!”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.