Close

October 22, 2015

Ang UniFAST

Nilagdaan ni Pangulong Aquino noong nakaraang linggo ang Unified Student Assistance System for Tertiary Education Act (UniFAST), o Republic Act 10687, isang batas na nagbibigay ng pinag-isa at komprehensibong programa para mabigyan ang mahihirap, ngunit karapat-dapat na estudyante sa kolehiyo ng tulong finansyal. Ayon sa awtor ng batas na ito na si Roman Romulo, Representative ng Lungsod ng Pasig, pinapayagan nitong makakuha ng tulong ang mga estudyante nang walang patronage sa mga pulitiko.

Dagdag pa rito, pinapabilis ng batas na ito ang pagkuha ng mga scholarship at balak rin nitong gumawa ng uniform na standards sa pagpili at sa pagpapanatili (retention) ng scholarship grants. Gagawin ito sa pag-iisa ng mga Student Financial Assistance Program ng gobyerno katulad ng E-GASTPE , SGP-PA at pati na ang mga programa sa ibang opisina ng gobyerno katulad ng NAFES ng DAR at mga scholarship na nakapaloob sa IPRA.

Higit sa lahat, balak rin ng batas na ito ang paggawa ng isang long-term na National Student Loan Program na ninanais magbigay ng short at long-term na grants para sa tertiary level.

Mababasa ang batas dito: http://www.gov.ph/2015/10/15/republic-act-no-10687/

 Maaari ring basahin ang artikulong pinublish ng Philippine Daily Inquirer dito: http://newsinfo.inquirer.net/733738/aquino-signs-unifast-bill-into-law

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.