Close

October 28, 2015

Ang ALCADEV at ang mga Lumad

Magandang Gabi! Bilang pagdiriwang sa pakikipaglaban ng mga Lumad para sa kanilang karapatan, magpu-publish ako ng infographics tungkol sa kanila. May kinalaman pa rin naman siya sa usapin ng edukasyon, kaya oks lang. grin emoticon

Isa sa mga kontrobersya sa isyu ng Lumad Killings ay ang pagtatayo ng mga alternatibong paaralan. Maaaring matanong kung bakit nga ba may mga eskwelahan kagaya ng ALCADEV. Maaari ring maisip na kung ‘di talaga komunista ang simpatya ng mga Lumad, bakit hindi na lamang sila pumayag na ipadala ang kanilang mga anak sa mga pampublikong paaralan?

Makikita sa infographic na ito ang mga isyu na nagdulot sa pagpapatayo ng mga paaralan kagaya ng ALCADEV. Bagama’t hindi ito nabanggit ng infographic, nais ko ring sabihin rito na maliban sa basic na curriculum, tinuturan rin ang mga mag-aaral sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga Lumad, mula sa pagsasaka hanggang sa mismong kultura nila. Kaya naman makikita ang kahalagahan ng mga eskwelahang ito sa pagpapanatili ng kultura ng mga Lumad.

‪#‎StopLumadKillings‬

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.