Close

September 29, 2015

Patungkol sa edukasyon at Powerpoint Presentations

Larawan mula sa artikulo ng TheGuardian

Good evening!

Sigurado ako na marami sa atin ang mahilig sa Powerpoint presentations. Kaya nga may projector sa lahat ng classroom eh. Nakikita siya bilang isang innovation na tumutulong sa pag-aaral ng mga estudyante, mapa-elementarya man siya o kung nasa kolehiyo na siya. Mas madaling maka-intindi ng mga leksyon kapag ang mga punto ng iyong guro ay nakabuod sa bullet points o mga imahe sa slides ni Sir o Ma’am. Mas madaling magsulat ng notes kung alam mo na kung ano ang dapat i-take note. Sa madaling salita, ang naging benepisyo ng Powerpoint ay ang pagpapadali sa pag-aaral ng mga estudyante.

Pero ito rin ang masamang katangian hindi ng Powerpoint, ngunit ng pag-si-simplify ng impormasyon. Sa isang artikulo mula sa The Guardian, binabanggit dito na ang isa sa mga kahinaan ng paggamit sa slides at bullet points, bilang halimbawa, ay ang pag-aalis o pagkawala ng paraan para maiugnay ang mga kunsepto.

Ang pinakagusto kong punto ng artikulo ay ang punto na ang pag-sto-storyboard sa mga leksyon ay sumisira sa ideya ng lecture. Kagaya nga ng binaggit, ‘Through PowerPoint, everything has a tendency to resemble a pitch rather than a discussion: information is “storyboarded”, as for a movie – but the presentation is not a movie and the presenter is rarely Brad Pitt. No wonder we are bored.’

Basahin ang post: http://www.theguardian.com/commentisfree/2015/sep/23/powerpoint-thought-students-bullet-points-information

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.