Close

September 20, 2015

Featured Tutor: Hans Sison

Name: Hans Audrey Alican Sison

Nickname: Hans

Year and Course: 1 AB Management Economics

Committee: Education Operations Committee

Motto: “Don’t live a successful life; strive for a meaningful one.”

Erya Assignment: AM – Industrial Valley Elementary School

Favorite Tutees: Morris, CJ, and other tutees whose love lives he has asked about

Why do you go to erya?

“One insignificant reason is gusto kong magpaka-active sa Gabay. Pero more than that, gusto kong ibahagi iyong mga nararanasan kong sarap (tulad ng edukasyon sa Ateneo) sa iba, lalo na doon sa mga nangangailangan. At sana ito yung isa sa mga way para mapaunlad sila.”

What difficulties did you encounter in erya?

“Isa sa mga difficulties iyong kaba na hindi ko alam kung paano talaga mag-entertain ng bata. Magiging serious ba ako o makikipaglaro? Kasi masyadong limited iyongexperience ko sa pakikihalubilo sa bata, pero na-overcome ko naman siya.”

What is your most significant erya experience?

“Iyong bawat time na nakakasama mo [iyong erya kids], na parang kahit 2 to 3 hours lang kayong nagkahalubilo, parang ang close-close [na ninyo]. At di lang sa mga bata, pati na [rin] sa mga kapwa Gabayano.”

What else do you expect from erya?

“More than sa magiging masaya siya and helpful sa students, I expect to grow with the kids (Di man sa height, kundi sa experience.), to see a world in their perspective, and to be inspired by them just as they are inspired by us.”

Kung may album si Eryana Grande, ano ang title nito at bakit?

“Baby-Z, Regular, GRANDE. (Kasi gusto ni Erya ng Zagu kaya pasponsor please.)”

Sa tingin mo, ano ang relationship status ni Eryana Grande?

“In relationship na si Eryana Grande. Kasi kita mo naman, dami na niyang anak. Paano pa siya magiging single niyan?”

Message to fellow tutors:

“Tapos na [iyong] first erya day, hope you had fun (and probably one of the best Saturdays of your college life LOL)! Don’t stop believing in the kids! Never stop loving them! Mayroon tayong layunin more than the smiles and the happy moments; mayroon tayong layunin to help them grow, not just in academics, but also as an individual. Let us help them achieve that goal.”

Message to erya kids:

“Hi guys! Thank you nga pala sa mga kakulitan ninyo. I can’t believe na ma-aattach kami agad nang ganun kabilis sa inyo. You may not know it, but you inspired us. We know that you have your dreams and we, your ates and kuyas, are here to help you be ready to achieve them when the right time comes. Di man tayo forever na magkakasama, you would always have a place in our hearts. Study well kids! And let your dreams come true!”

 

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.