Patungkol sa pagbagsak at kabiguan

Sa mga araw na ito na malapit sa pagtatapos ng semestre, sa mga araw na tambak at puno ng mga requirement, hindi maiiwasan na magkaroon ng mga markang na hindi kanais-nais. Minsan sa ating mga buhay talaga, magkakaroon tayo ng unang F, o ng palpak na presentasyon o papel. Maaaring may mga ma-miss tayo na commitments sa orgs o sa ating mga personal na buhay. Maaari tayong bumagsak at pumalpak.
Ngunit, sana ating maisip sa kaisa-isang F (or more) na ating natanggap, o sa mga bagay na hindi natin nagustuhan, na ang paaralan ang pinaka-angkop na lugar para mabigo. Maisip sana natin na anomang grado ang ating matanggap ay tatak ng ating pagkatuto. Maisip sana natin maski ang ating mga kabiguan ay katuwang ng pag-aaral na ating natatanggap.
Basahin ang artikulo mula sa The Guardian na naglalarawan ng mga paraan para gawing kalamangan ang ating mga pagkakamali. http://www.theguardian.com/higher-education-network/2015/nov/04/academics-you-are-going-to-fail-so-learn-how-to-do-it-better