Close

October 6, 2015

25 Piso Kada Oras?

25 piso kada oras.

Yan ang sahod na matatanggap ng mga estudyante sa mga SUC na balak mag-apply bilang construction worker sa kanilang sariling unibersidad.

Kamakailan lamang, may isang probisyon sa proposed bugdet para sa mga SUC para sa susunod na taon na papayagang gamitin ang mga student volunteer para sa pagsasaayos ng mga pasilidad at kagamitan sa mga eskwelahan.

Sa Section 12 ng Special Provisions ng SUC budget, nakasaad na ang mga SUC ay “authorized to avail the voluntary services of their students in the construction or repair of buildings and the fabrication or repair of buildings and the fabrication or repair of equipment subject to the payment of P25 per hour but not to exceed four hours a day.”

Sinabing maaari magsilbi ang kanilang boluntaryong serbisyo para sa vocational and practicum training subject ng estudyante.

Umani ito ng batikos mula sa ilang mga kongresista at grupo, na ang polisiyang ito ay nagpapaalala ng polo y servicios at nagmumukhang atat ang gobyerno sa cheap labor na maaari nitong makuha mula sa mga estudyante. Ngunit ipinagtanggol ito ng isa sa mga sponsor ng bill dahil umano sa voluntary lamang ito.

Basahin ang buong storya dito: http://newsinfo.inquirer.net/728093/cheap-labor-sucs-can-tap-students-to-build-repair-schools-for-measly-p25hour

 Ano ang inyong mga reaksyon? Magbahagi ng saloobin sa comments, at i-like at i-share ang post na ito sa inyong mga Facebook accounts!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.