Close

September 10, 2015

Karahasan sa mga Lumad at ALCADEV

Kamakailan lamang, lumabas sa mga balita ang karumal-dumal na pagkapaslang ng executive director ng Alternative Learning Center for Agriculture and Development (ALCADEV) na si Emerito ‘Tatay Emok’ Samarca. Si Tatay Emok ay isang respetadong miyembro ng komunidad na lumaban sa mga karapatan ng mga Lumad sa pamamagitan ng kaniyang mga posisyon sa mga NGO na tumataya para sa mga karapatan ng mga Lumad.

Ang pangyayaring ito ang nagbigay daan para sa Save Our Schools Network para magbigay-ilaw sa mga karahasan na nararanasan ng mga Lumad sa kamay ng mga militar at paramilitar na grupo. Sa kanilang statement na inilabas nila noong ika-5 ng Setyembre, binuod nila ang mga naranasan na kalupitan sa kamay ng military, kasali na dito ang pag-sara sa ALCADEV at sa karumal-dumal na pagpatay sa mga bata at displacements sa mga komunidad ng mga Lumad.

Naniniwala ako na ang mga pagpaslang sa mga lumad at ang pagkitil sa kanilang karapatan sa isang disenteng edukasyon ay hindi lamang dapat ikagalit, ngunit dapat ring ikondena. Furthermore, kinokondena ko ang suporta na ipinapakita ng Regional DepEd office sa pagpapapayag nila na gamitin ang mga paaralan bilang imbakan ng mga armas at military base. Paniwala ni Kulito na ang mga ganitong mga gawi ay lumalabas sa mga pandaigdigang batas laban sa militarisasyon ng mga paaralan.

BASAHIN ANG STATEMENT NG SAVE OUR SCHOOLS NETWORK DITO: http://www.mindanews.com/statements/2015/09/05/statement-attacks-on-mindanao-lumad-schools-and-communities-intensify-as-aquinos-military-goes-berserk-for-oplan-bayanihan/

Mga Karagdagang Babasahin:

Lumad alternative schools recognized by DepEd –rights advocate: http://www.gmanetwork.com/news/story/536102/news/nation/lumad-alternative-schools-recognized-by-deped-rights-advocate#sthash.pMCdR17k.dpuf

Head of tribal school, lumad leader slain by militia in Surigao del Sur:

http://www.interaksyon.com/article/116906/breaking–head-of-lumad-school-tribal-leader-slain-by-militia-in-surigao-del-sur

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.