Patungkol sa grado at pagkamalikhain

Magandang gabi muli!

Photograph: ChinaFotoPress/Getty Images
Medyo #ThrowbackThursday muna tayo ngayon dahil medyo matagal na ang artikulong ibabahagi ko. As old as a week ago lang naman.
Heto ay isang magandang op-ed mula sa The Guardian. Dito, prinoblematize ang mga test scores bilang isang benchmark sa galing ng mga estudyante sa mga iba’t-ibang bansa bilang paalala, sa isang banda, na “Grades are not everything.”
Magbabahagi lang ako ng aking saloobin. Habang totoo na mas maganda ang performance ng mga Tsino sa mga international tests at mga paligsahan sa matematika, may problema rin ang mga estudyante mula sa Tsina sa pagkamalikhain. Bilang halimbawa, babanggitin ko ang kaso ng mga Tsinong imbentor sa mga imbentor sa Kanluran.
Sa mga Tsinong imbentor, ang kadalasang ginagawa nila ay ang pagsasama lamang ng gamit ng dalawang bagay sa isang kagamitan. Halimbawa ay ang mga ballpen na may correction ink. Habang hindi naman natin mapagkakaila ang usefulness o functionality ng mga gamit, medyo kita na hindi creative ang imbensyon. At saan nagmumula ang kakulangan sa pagkamalikhain?
Sa isang sistema na mas pinapahalagahan ang mga pagsusulit kaysa sa pagkatuto.
Hindi ko muna kayo tatanungin kung ano ang opinyon ninyo, pero pakibasa na lamang. Magandang gabi.
Suplementaryong babasahin: http://foreignpolicy.com/2015/06/23/china-innovation-creativity-research-patents/